Hindi ako isang friend ng schoolmate naming si Given pero ang pangyayaring napagdaanan niya ay talagang ikinagulat at ikinaawa ko sa isang taong wala namang ginawa kundi ang maging isang mabait na anak, mabuting classmate, at matalinong estudyante. Hindi ko man siya ganun kakilala pero sa dami…
Apat na linggo na lang at tapos na itong semester na to.
Napatingin lang ako sa kalendaryo kagabi. At nagulat nga ako sapagkat halos apat na linggo na lang pala.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, pero kasi, hindi pa ako handang matapos ang semestre na ito. Parang kailan lang yung first day ah. Hala. Hindi ito kakayanin ng puso ko.
Eh kasi naman. Masyado ka nang tumatak sa puso’t isipan ko. Yung tipong ang pinakahihintay ko lang na oras sa isang linggo ay yung mga oras na magkakasama tayo. Yung tipong pagkatapos ng mga oras na iyon, wala na. Magiintay na naman ako ng halos isang daa’t animnapu’t anim na oras.
Hindi ko alam kung bakit ako masyadong na-attach sa iyo. Pero mainly, ikaw ang may kasalanan. Ikaw lang talaga.
I can manage this feeling. I know it. I’d been there. A lot of times. LOL. All I need is… yung hindi ka na magpakita ng motibo pa at ang hindi ka na makita pa.
MANIFESTO NG TUNAY NA LALAKE 1. Ang tunay na lalake ay di natutulog. 2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot. 3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice. 4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian. 5. Ang tunay na lalake ay walang abs. 6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw. 7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake. 8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief. 9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae. 10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
Mula dito. FYI. I just copied it from a site and pasted it here.
Nung binabasa ko yan, parang wala lang. Hangga’t umabot ako sa number 6. Tumbling na lang ako eh. May naalala lang ako bigla.
Naisip ko, usually nga, ganun ang nangyayari sa panahon ngayon. Kapag ganun, ganito na. Pero laging sinasabi, Hindi naman lahat ng lalakeng sumasayaw eh bading. I guess, anyway, I’ll never know. Nasa tao na rin iyon.
Sa totoo lang, bilang ako ‘to, I’ll always know. Ako pa. Nadadaan kaya ako sa mga ganyang bagay. Kaya I’ll always know. :)